BIR pinasasagot sa petisyon ng 1UTAK sa toll fee

MANILA, Philippines - Binigyan ng sampung araw ng Court of Tax Ap­ peals ang Bureau of Internal Revenue upang sagutin ang petisyon na inihain ng United Transport Koalisyon  (1 UTAK) party-list na naglalayon na ma­pigil ang implementasyon ng pagpataw na 12% Value Added Tax (VAT) sa toll fee.

Ayon kay CTA Asso­ciate Justice Juanito Cas­ta­ñeda Jr. ang palugit sa respondent ay bilang pag­komento sa isinumiteng memoranda ng 1UTAK bi­lang suporta sa nauna nitong inihain Petition for Review with an Application for a Temporary Re­strain­ing Order and /or Writ of Pre­liminary Injunction no­ong ika-16 ng Abril, 2010.

Sa ginanap na pag­dinig, sinabi ni Castañeda matapos ang 10 araw pag­komento ng BIR na tuma­tayong respondent ay saka madedetermina ang pagpapalabas ng desisyon kung papanigan o hindi ang kampo ng petitioner para sa hinihinging TRO at writ of preliminary in­junction 

Sa kopya pa ng petis­yon na inihain ni 1 UTAK re­presentative Vigor Men­doza II nakasaad na wa­lang legal basis ang impo­sition ng 12% VAT sa toll fee kung pagbabasehan ang phrase ng “sale or exchange of services”.

Show comments