Obrero pinag-huling hapunan bago kinatay

MANILA, Philippines - Pinatapos muna nang kanya palang huling hapunan ang isang obrero bago ito pinagsasaksak ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng isang kantina, kama­kalawa ng gabi sa Makati City.

Agad na nasawi dahil sa malalim na saksak sa katawan ang biktimang si Danilo Ergino, 43, habang malubha naman ang pinsan nitong si Dexter Ergino, ng Lot 33 Emerald St., Brgy. Pembo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Makati police, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi sa loob ng Leona’s Canteen sa Sampaguita Extension, Brgy. Pembo. Nabatid na masarap na kumakain ang magpinsan kung saan kasabay nito ang hindi nakilalang suspek.

Nairaos pa ng magpinsan ang pagkain bago sila kumprontahin ng salarin na nauwi sa mainitang pagta­talo.  Dito nagbunot ng patalim ang salarin at sunud-sunod na undayan ng saksak ang magpinsan bago mabilis na tumakas.

Show comments