^

Metro

Pangamba ni Bistek, vote-buying sa Quezon City!

-

MANILA, Philippines - Dalawang araw bago maghalalan, nanga­ ngam­­ba si Liberal Party mayoralty bet at Quezon City vice mayor Herbert ‘Bistek’ M. Bautista hing­gil sa umano’y malawa­kang “vote-buying” na planong gawin ng kan­yang kalaban kung saan may P100-milyong pon­do ang inilaan para sa operasyong ito.

Dahil dito, nanawa­gan si Bautista sa kan­yang mga kababayan, partikular sa mga botante ng Quezon City na hu­wag hayaang manipu­la­hin sila ng sinuman at bayaran ng salapi ang kanilang karapatang bumoto.

“Hindi na dapat tayo nagpapaloko sa mga taong gumagamit ng pera at dahas para la­mang manalo sa elek­syon. Konsensya natin ang kinabukasan ng QC. Our vote is not for sale – and Quezon City is not for sale!,” ayon kay Bautista.

Nasa P500-P1,000 ang sinasabing halaga ng bawat boto kung saan umiikot na sa buong lungsod ang operasyon nito. Dahil dito, nanini­wala si Bistek na ito ang tamang pagkakataon para manindigan ang mga taga-Kyusi para sa kanilang boto.

Napag-alaman din nito na ilang political leaders ng naturang kan­didato ay nagsisimula nang magsagawa ng karahasan at pananakot sa mga supporter at lider ng kanilang grupo.

“Desperado na ang katunggali natin at lanta­ran na ang pagbili ng boto sa mga lugar na mala­lakas ang tiket ng Liberal Party… the people of QC do not deserve to be led by someone who won his or her position through vote-buying,” ayon pa rito.

Kilala ang kanyang katunggali na gumagamit ng maruming taktika tuwing eleksyon at pakiki­sabwatan sa mga iligal na transaksyon gamit ang impluwensiya at pera.

BAUTISTA

BISTEK

DAHIL

DALAWANG

KILALA

KONSENSYA

LIBERAL PARTY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with