Obrero todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19-anyos na obrero nang aksi­dente umanong mahulog ang live wire sa flooring na basa ng tubig na kaniyang tinatapakan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay  sa  Justice Jose Abad Santos Mother and Child Hospital ang biktimang si Alfred Maglana, ng Block 37 Welfare Ville, Mandaluyong City.

Nabatid na magpuputol ng tiles ang biktima na ikakabit sa flooring ng itinatayong gusali kaya isinaksak nito ang grinder sa live wire subalit nahulog umano sa basang flooring hanggang sa makitang nangingisay na ang biktima sa 3rd floor ng Sun Joy Building sa Lavezares St., Sto. Cristo, Binondo, Maynila.

Show comments