^

Metro

Mga sasakyang may lulang PCOS machines, palibrehin muna

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si DILG Secretary Ro­naldo Puno sa mga local government units (LGUs) na huwag munang mani­ngil ng bayad sa mga sa­sakyan na nagdadaan sa kanilang lugar lalo na ang mga nagdadala ng kaga­mitan at materiales na gagamitin sa elek­syon.

Aksyon ito ni Puno, upang maiwasan ang pagka-antala ng deploy­ment ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines at iba pang election paraphernalia sa iba’t ibang polling pre­cincts sa buong kapu­luan.

Giit ng kalihim, kaila­ngan mahigpit na obser­ba­han ng mga local chief executives ang prohibis­yon hingil sa pagpapa­tupad para sa pagba­bayad sa pagdaan sa ka­nilang kalye alinsunod sa nakaraang direktiba na kanilang ipinalabas, sa pa­mamagitan ng Argo International Forwarders Inc., Ace Logistics, Inc. at Germalin Enterprises, Inc., na ngayon ay nag­da­dala ng mga ballot boxes at iba pang elect­ion materials at equip­ment sa lahat ng  con­signees sa buong bansa.

Base sa Section 133 ng Local Government Code, ang taxing powers sa mga probinsya, lung­­sod, at munisipalidad at barangays ay hindi dapat dagdagan ng bu­ wis, bayad o anumang baya­rin at iba pang pa­sanin sa mga gamit na dala pa­pasok sa teri­toryo ng mga local go­vernment units.

Sa kanyang direktiba sa lahat ng provincial governors, city at muni­cipal mayors, inatasan din ni Puno ang mga ito na i-exempt ang sasak­yang nagdedeliber mula sa oras ng truck ban, o anuman alinsunod sa DILG Memo Circular 2008-112.

ACE LOGISTICS

AKSYON

ARGO INTERNATIONAL FORWARDERS INC

GERMALIN ENTERPRISES

LOCAL GOVERNMENT CODE

MEMO CIRCULAR

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

PUNO

SECRETARY RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with