^

Metro

Exclusive wards sa mga public servants,inilaan

-

MANILA, Philippines - Naglaan si Manila Mayor Alfredo Lim ng exclusive na wards para sa mga guro, pulis, empleyado ng lungsod at barangay officials sa bagong tayong Sta. Ana Hospital sa ikaanim na distrito ng lungsod.

Kasabay nito, inilatag ni Lim kasabay  ang stand­ing policy  sa lahat ng ospital ng lungsod na magbigay ng karagdagang alaga sa mga pulis, guro, city employees at barangay officials kung sakaling manga­ilangan sila ng serbisyo medikal.

Ayon kay Dr. Mario Lato, direktor ng naturang ospital, maaaring magkaroon pa ng ibang exclusive wards para sa iba pang mga public servants ng lung­sod sa loob ng sampung palapag at fully-aircon­ditioned hospital na nakatayo sa 8,000-square-meter-lot at naglalaman ng 54 uri ng mga modernong kagamitan. Ang ganitong uri ng pagtrato sa kanila, dagdag pa ng alkalde, ay sasakop din sa kanilang mga ka­pamilya. 

Ayon naman kay Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Rodolfo Magtibay, na isa sa mga dumalo sa pagbubukas ng naturang ospital, lubhang kapuri-puri ang ginawa ni Lim na pagpapakita ng tunay na malasakit sa mga public servants, gaya ng mga pulis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng special wards.

ANA HOSPITAL

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

DR. MARIO LATO

KASABAY

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

RODOLFO MAGTIBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with