MANILA, Phillipines - Mariing ipinag-utos kahapon ni NPD director Samuel Pagdilao, na ipatupad ang 24-oras na checkpoint sa ilang lugar sa Caloocan City dahil sa nalalapit na halalan kung saan tumataas ang bilang ng karahasan.
Ang hakbangin ni Pagdilao ay may kaugnayan sa naganap na pamamaril sa kahabaan ng Araneta Avenue, kung saan dalawa katao ang nabiktima kabilang ang isang dating opisyal ng barangay.
Ngunit ayon sa naturang opisyal, premature pa ang kanilang teyorya kung may kaugnayan sa election ang naturang pamamaril, dahil hindi naman aniya kandidato ang isa sa mga biktima.
Beinte-kuatro oras check-point ang ilalatag sa ilang lugar ng Caloocan City lalu na aniya sa kahabaan ng Araneta Avenue kung saan dito naganap ang pamamaril sa dalawang katao.