7 sasakyan nagkarambola sa SLEX

MANILA, Philippines - Napakatinding trapiko ang idinulot ng karam­bola ng pitong iba’t ibang uri ng sasakyan sa ka­habaan ng South Luzon Expressway sa bahagi ng Parañaque City ka­hapon ng umaga. Walo katao, kabilang ang mga driver na sina Rudy Dolosa, Rogelio Go­­mez, Jr. at Roby Gar­cia ang bahagyang nasu­gatan sa naturang insi­dente ngunit agad rin na­mang pinalabas ng paga­mutan makaraang lapa­tan ng kaukulang lunas.

Kabilang sa mga sa­sakyang sangkot sa aksi­dente ang isang Mitsu­bishi Pajero (REH-228) na mina­maneho ng isang Mario Plata; isang Toyota Innova (NII-671); Isuzu Hi-Lux (NYO-171) na minamaneho ni Dolosa, Toyota Hi-ace (TZW-404) na minamaneho ni Gomez, Toyota Altis (CSC-562), isa pang Pajero (ZRT-263) na mina­maneho ng isang Ernesto Magundayao at isang Mercedez Benz (PKS-973) na minama­neho naman ni Garcia.

Inabot ng halos tat­long oras bago tuluyang magbalik sa normal ang daloy ng trapiko makara­ang  isa-isang alisin at hi­lahin ng Highway Patrol Group ang mga sangkot na sasakyan palabas ng SLEX.

Show comments