Atienza inendorso ng mga religious groups

MANILA, Philippines - Inendorso na ng iba’t ibang religious groups ka­bilang ang Iglesia ni Cristo (INC) ang kandida­tura ni da­ting Environ­ment Sec­ re­­tary Lito Atienza.

Bukod sa INC nauna na ring inendorso si Atien­za ni Bro. Mike Ve­larde ng El Shaddai, Ustadz Ahmad Barcelom ng Ma­nila Muslim com­munity, Parish Councils of Manila gayundin ang solidong suporta ng ma­jority ng mga barangay chairmen, mga kagawad, mga ba­rangay tanod gayundin ang pro-poor organization na Peoples Movement Against Po­verty (PMAP).

Alam ng nakararami na ang INC ay mayroong malawak na tagasunod sa Maynila kayat dahil sa endorsement nito kay Atienza ay nakakuha ito ng karagdagang limang porsiyentong solid votes.

Ayon sa huling survey na ginawa noong April 29,  7 porsiyento na ang lamang ni Atienza sa kalaban niyang si Lim. Kung idadagdag ang boto ng INC, ay aariba ng may 12 porsiyento na ang lamang niya.

Show comments