Atienza inendorso ng mga religious groups
MANILA, Philippines - Inendorso na ng iba’t ibang religious groups kabilang ang Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura ni dating Environment Sec retary Lito Atienza.
Bukod sa INC nauna na ring inendorso si Atienza ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, Ustadz Ahmad Barcelom ng Manila Muslim community, Parish Councils of Manila gayundin ang solidong suporta ng majority ng mga barangay chairmen, mga kagawad, mga barangay tanod gayundin ang pro-poor organization na Peoples Movement Against Poverty (PMAP).
Alam ng nakararami na ang INC ay mayroong malawak na tagasunod sa Maynila kayat dahil sa endorsement nito kay Atienza ay nakakuha ito ng karagdagang limang porsiyentong solid votes.
Ayon sa huling survey na ginawa noong April 29, 7 porsiyento na ang lamang ni Atienza sa kalaban niyang si Lim. Kung idadagdag ang boto ng INC, ay aariba ng may 12 porsiyento na ang lamang niya.
- Latest
- Trending