Mercado lumaki ang agwat sa kalaban

MANILA, Philippines - Lamang na ng 9.4% at pa­tuloy na umaarangkada sa pag­lawak ng agwat ni Mayor­alty can­ didate at Makati City Vice Mayor Ernesto S. Mer­cado sa kanyang mga katung­gali sa trust at choice rating para sa naturang pwesto habang anim na araw lamang ang natitira bago ang halalan sa Mayo 10.Ihihayag ni Ver C. Cortado, hepe ng Survey and Research Division ng POLI­TECHNICOM, isang indepen­den­teng survey entity ng Uni­versity of the Philippines na si Mercado ay nagtala ng 42.5 por­siyento sa kanilang gina­wang aktuwal na survey laban sa kanyang kalaban na si Jun-Jun Binay na nagtala lamang ng 31.1 porsiyento sa 2,252 na respondents noong Abril 24, 2010. Milya din ang agwat ni Mercado sa isa pa niyang katunggali na si Erwin Ge­nuino na nagtala ng 13.1% at si Butch Aquino na may na­italang 6% lamang. Lamang din ang Bise Alkalde ni Mer­cado na si Romulo “Kid” Pena ng 1% with 37.78% laban kay Rico Puno na naka­kuha ng 36.99%. Ayon kay Pastor Manuel S. Matias, pre­sidente ng Center for Anti-Graft and Cor­ruption Preven­tion, Inc., sa dalawang buwan na ka­nilang community im­mersion sa da­lawang distrito ng lung­sod at lihim na pagsu­baybay sa sen­timiyento ng mga bo­tante, lumitaw na mala­wakang nais na itigil na at bu­wagin ang mga makinarya ng pang-aabuso sa poder at ko­rapsyon sa pama­halaang lung­sod ng mga tiwaling opis­yal at emple­yado na tiyak la­mang maga­ganap kung uupo ang bagong administrasyon.

Show comments