Guro natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang guro ang natagpu­ang patay sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Que­zon kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Elenita Escaño- Alindogan, 39,   ng Rambutan St., Brgy. Capri, Novaliches sa lungsod.

Ayon kay PO3 Enrique Fabre Jr., ng Criminial Investi­gation and Detective Unit ng Quezon City Police, ang bik­tima ay nakita na lamang wa­lang buhay ng kanyang kapit­bahay na si Mercedes Lopez ganap na alas-9:25 ng gabi.

Bago ito, nagtaka umano si Lopez kung bakit naglalaro ng walang kasama ang dalawang anak ng biktima. Dahil dito, nagpasya si Lopez na tawagin ang biktima, ngunit makailang ulit na itong tuma­tawag ay hindi tumutugon ang guro sanhi upang magpasya siyang humi­ngi ng tulong sa ibang kasama­han nito,

Dito ay puwersahan nilang binuksan ang pinto at bumu­laga sa kanila ang huli habang nakahandusay sa kama. Agad din nilang ipinagbigay alam ang insidente sa Police Station 4.

Show comments