Guro natagpuang patay
MANILA, Philippines - Isang guro ang natagpuang patay sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Elenita Escaño- Alindogan, 39, ng Rambutan St., Brgy. Capri, Novaliches sa lungsod.
Ayon kay PO3 Enrique Fabre Jr., ng Criminial Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, ang biktima ay nakita na lamang walang buhay ng kanyang kapitbahay na si Mercedes Lopez ganap na alas-9:25 ng gabi.
Bago ito, nagtaka umano si Lopez kung bakit naglalaro ng walang kasama ang dalawang anak ng biktima. Dahil dito, nagpasya si Lopez na tawagin ang biktima, ngunit makailang ulit na itong tumatawag ay hindi tumutugon ang guro sanhi upang magpasya siyang humingi ng tulong sa ibang kasamahan nito,
Dito ay puwersahan nilang binuksan ang pinto at bumulaga sa kanila ang huli habang nakahandusay sa kama. Agad din nilang ipinagbigay alam ang insidente sa Police Station 4.
- Latest
- Trending