^

Metro

Birheng Maria huwag gamitin sa pulitika

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Vice Mayor Isko Moreno na huwag nang isali ang Imahe ng Birheng Maria sa pamumulitika makara­ang umabot sa kanilang lugar, sa ika-2 distrito ng Maynila, ang pag-iikot ng  imahe sa bahay-bahay at kaakibat ang ‘Black Rosary’  na may titulo sa ibabaw na “Prayer for Peace/Clean/Honest Elections”.

Ito’y sa kabila ng hindi pagbibigay ng permiso ng Kura Paroko ng simbahan sa isang alyas “Beng” para sa nasabing padasal  dahil hindi umano dapat gamitin sa pangalan nito sa kampanya sa pulitika. Bukod sa bawat bahay ay pinapipirma ng mga pangalan ang mga residente na iikutan ng imahe ng Mahal na Birhen, may nakahandang panalangin ang grupo na maging dito ay binabanggit ang pangalan ni Manila mayoralty candidate Lito Atienza.

 Ayon pa sa mga residente na karamihan ay mula sa lugar ng Katamanan at Delos Reyes sa Tondo iniikot ang padasal. Nakatala din ang   pangalan, zone at barangay numbers, address, birthday, contact numbers at oras ng pagdalaw ng “Birhen ng Maria” sa isang listahan na may titulo sa ibabaw na “Prayer for Peace/Clean/Honest Elections” at diumano ay sa ilalim ng ‘Mahal Ko si Lolo’t Lola’ program para sa  District 2.  Ang naturang listahan ay isinu­sumite naman umano ng mga supporters sa kanilang head­quarters sa Opal Street.

Gayunman, sa halip na nakagawiang dasal at rosary, may nakahandang ‘panalangin’ ang grupo na tinawag nilang  ‘Pana­langin Para sa Bayan’ kung saan binabatikos ang  administrasyon ni Manila Mayor Alfredo Lim.

BIRHEN

BIRHENG MARIA

BLACK ROSARY

DELOS REYES

HONEST ELECTIONS

KURA PAROKO

LITO ATIENZA

MAHAL KO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with