^

Metro

Utang ng MMDA sa mga empleyado nito, bayad na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ilang linggo bago ang pagpapalit ng administrasyon, ipinagma­laki ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Oscar Inocentes na natapos na nila ang mga obligasyon at wala nang pagkakautang sa kanilang mga tauhan makaraang mabayaran na lahat ng nabinbing benepisyo ng mga ito.

Sinabi nito na naibigay na rin sa mga empleyado ang matagal na nabinbin na hazard pay na pansamantalang hindi nakuha ng mga tauhan sa panahon ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando.

Mahigit 2,000 mga kawani na nakatalaga sa Traffic Operation Center, Sidewalk Clearing Operations Group at Cleanliness and Beautification Program Division ang regular ng tumatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang regular na sahod bilang hazard pay. Bukod dito, tinanggap na rin nila ang nabinbin na clothing allowance na P6,000 kada taon. 

BUKOD

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

CLEANLINESS AND BEAUTIFICATION PROGRAM DIVISION

ILANG

MAHIGIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SIDEWALK CLEARING OPERATIONS GROUP

SINABI

TRAFFIC OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with