Lim at Moreno mainit na tinanggap sa district 6
MANILA, Philippines - Pinatunayan ng mga residente ng ikaanim na distrito ng Maynila na tama ang pagdismis ng Ombudsman sa kasong isinampa laban kina Mayor Alfredo S. Lim, Vice Mayor Isko Moreno at mga konsehal kaugnay ng pagpapanatili ng mga oil depot sa lungsod matapos na magpakita ang mga ito ng napakainit na pagtanggap sa isinagawang motorcade ng alkalde sa kanilang lugar.
Paulit-ulit ding isinigaw ng mga residente ang kanilang buong pagsuporta sa alkalde at mga ka-tiket nito kung saan matiyagang naghintay sa daan sa motorcade ni Lim bukod pa sa kasiyahang makita ang alkalde at makamayan ito na maliwanag na pahayag ng pananalig sa paninindigan ng alkalde sa isyu ng oil depots.
Nangako rin ang mga residente na kanilang ibabasura ang mga kandidato na kumokontra sa ginawa ng alkalde dahil sa umano ay kawalan ng malasakit sa mga taga-lungsod na maaring mawalan ng hanapbuhay.
Bukod sa 10,000 empleyado nito na karamihan kundi man lahat ay taga-Maynila ay nakatakdang mawalan ng hanapbuhay, isinaisip din ni Lim ang malaking kita ng lungsod na mawawala kung paaalisin ang mga malalaking indus triya na apektado ng naturang ordinansa.
- Latest
- Trending