^

Metro

Ama umiwas sa titigan, tinodas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang ama ng tahanan ang napatay makaraang kursuna­da­hing bugbugin at saksakin ng isang grupo ng kalalakihan sa harap ng kanyang anak sa Barangay Commonwealth, Quezon City kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Rozel Michael Javier, nasa hustong gulang at residente sa Brgy. Commonwealth.

Nadakip naman ng pulisya ang tatlo sa apat na suspek na sina Johnbert Cutamora, 21; Jayker Cutamora, 28; at Roland Gumopas, 22; pa­wang mga residente rin sa nasabing barangay.

Tinutugis pa ng pulisya ang isa pang suspek na si Noel Cutamora.

Kakain sana sa Ren Hot Sarap tapsilog ang biktima kasama ang anak na si Ferbie Kieth nang mapuna ng una na tinitingnan siya ng grupo ng mga suspek.

Sa pangambang masama ang intensyon ng grupo, ipi­nasya ng biktima na umalis na lang sa lugar para maka­iwas sa gulo.

Habang naglalakad ay sinundan ang mag-ama ng mga suspek at nang ma­abu­tan ay binugbog at si­naksak ang biktima sa harap ng anak nito.

vuukle comment

BARANGAY COMMONWEALTH

FERBIE KIETH

JAYKER CUTAMORA

JOHNBERT CUTAMORA

NOEL CUTAMORA

QUEZON CITY

REN HOT SARAP

ROLAND GUMOPAS

ROZEL MICHAEL JAVIER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with