^

Metro

Metro police full alert sa halalan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng National Ca­pital Regional Police Officer na na­kahanda na ang may 15,000 pulis sa darating na eleksiyon sa Mayo 10.

Ang paniniyak ay ginawa ni Supt. Rommel Miranda, tagapagsalita ng NCRPO, na nagsabi pang ngayon pa lamang ay nasa “full alert” na sila.

Sinabi pa niya na kikilos lamang siya nang ayon sa sitwasyon at para sa protek­siyon ng mga boto ng mama­mayang Pilipino kaya lahat ng kanilang tauhan ay naka-duty pagsapit ng eleksiyon.

Gayunman, sinabi ni Miranda na wala silang lugar sa Metro Manila na ikinukon­siderang nasa “hot spot” ngayong nalalapit na halalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Miranda na 10 pulis lamang sa NCRPO ang lumahok sa absentee voting.

Marami umano sa mga pulis ng NCRPO ang gustong bumoto na lamang sa araw ng halalan dahil mas makaka­boto sila ng maraming kandi­dato. Limitado lamang ang ma­ihahalal na kandidato sa absentee voting.

GAYUNMAN

KAUGNAY

LIMITADO

MARAMI

METRO MANILA

MIRANDA

NATIONAL CA

REGIONAL POLICE OFFICER

ROMMEL MIRANDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with