Sorry, 'di ko na kayang mabuhay!

MANILA, Philippines - Ang pagtutol ng kaanak sa kanyang boyfriend ang nagdala ng malaking problema sa isang 18-anyos na dalaga upang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang kurbata ng kanyang school uniform sa Barangay Lagro, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

“Sorry hindi ko na kayang mabuhay. Mama, sorry di­nag­­­dagan ko na naman ang sama ng loob mo,” ito ang kabilang sa iniwang kataga ng biktimang si Marivic Delantar, saleslady, sa kanyang suicide note matapos itong magbigti sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Block 89, Lot 28, Domingo de Ramos, Barangay Lagro.

Ayon kay SPO3 Leonardo Pasco, punong im­ bes­­ti­ gador ng Quezon City Police District, masyado umanong dinamdam ng biktima ang ipinapakitang pag­tutol ng kan­yang pamilya sa kanyang nobyo. Ito ang posible umanong ugat upang siya ay magpakamatay.

Bandang alas-8:15 ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng biktima ng kanyang tiyuhin na si Archie Delantar habang nakabitin sa kisame sa loob ng kanyang kuwarto.

Sinabi ni SPO2 Roldan Dapat, may-hawak ng kaso, Abril pa lamang umano ay nagpapakita na ng kakaibang kinikilos ang biktima ngunit hindi naman ito pinansin ng mga kaanak.

Ayon kay Dapat, bago ang insidente, ganap na alas-12:30 ng hapon ay bumisita umano ang hindi tinukoy na nobyo ng biktima sa kanilang bahay kung saan naabutan nito ang tiyuhin ng huli na si Archie at Jun Quisong na nanonood ng telebisyon.

Dito ay kinompronta umano ng tiyuhin ang nobyo ng biktima dahilan upang agad itong umalis, hanggang sumama rito ang biktima.

Matapos nito ay hindi na umuwi ang biktima hanggang sa kamakalawa ng gabi ay natuklasan na lang ito ng tiyuhin sa nasabing kuwarto at nakabiting walang buhay.

Show comments