2 tiklo sa laman-loob ng aso

MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki at isang babae matapos ma­hulihan ng mga laman-loob mula sa mga kinatay na aso kahapon sa Navotas City.

Nahaharap sa kasong violation of animal welfare act ang mga suspek   na sina An­tonio Garcia, 42 at Agnes Arnais, 27, kapwa nakatira sa  Bagumbayan South ng lung­sod na ito.

Sa report ng pulisya, na­katanggap sila  ng reklamo,  na nagkakatay at nagbebenta ng mga laman-loob ng mga aso ang mga suspek.

Dakong ala-1:30 ng ha­pon, pinuntuhan ng mga pulis ang mga suspek sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar at  dito ay positibong naku­hanan ng mga laman-loob ng aso.

Show comments