2 tiklo sa laman-loob ng aso
MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki at isang babae matapos mahulihan ng mga laman-loob mula sa mga kinatay na aso kahapon sa Navotas City.
Nahaharap sa kasong violation of animal welfare act ang mga suspek na sina Antonio Garcia, 42 at Agnes Arnais, 27, kapwa nakatira sa Bagumbayan South ng lungsod na ito.
Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng reklamo, na nagkakatay at nagbebenta ng mga laman-loob ng mga aso ang mga suspek.
Dakong ala-1:30 ng hapon, pinuntuhan ng mga pulis ang mga suspek sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar at dito ay positibong nakuhanan ng mga laman-loob ng aso.
- Latest
- Trending