^

Metro

Polling precinct alamin ng maaga - Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga botante at mga residente ng Maynila na alamin ng maaga ang kanilang  polling precinct upang maiwasan ang anu­mang kalituhan at panloloko sa araw ng halalan.

Ayon kay Lim, ang kan­yang payo ay bunsod na rin umano ng panlilito ng kan­yang kalaban sa pulitika kung saan isang calling card size card ang ipinamimigay sa mga residente na dito naka­lagay ang maling pre­sinto ng botante.

Sinabi naman ni Secretary to the mayor Atty. Rafaelito Garayblas, hindi umano ma­aaring ipagwalang-bahala ang reklamo ng  mga resi­dente ng Maynila na nagtungo sa city hall upang ireklamo ang panlilito gamit ang isang card na may mukha pa umano ni dating DENR Secretary Lito Atienza.

Nabatid kay Garayblas na ikinagulat ng mga botanteng nabigyan ng card ang maling polling precinct at paaralan dahil posibleng  ito ang ma­ging dahilan ng failure of elections.

Samantala, ibinunyag naman ni secretary to the vice mayor Bernie Ang na pa­tuloy ang mga death threats na natatanggap ni Vice Mayor Isko Moreno mula sa text mes­sages hanggang sa bahay nito sa Tondo, Maynila.

AYON

BERNIE ANG

GARAYBLAS

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

RAFAELITO GARAYBLAS

SECRETARY LITO ATIENZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with