Fetus lumutang sa estero
MANILA, Philippines - Isang 6-7 buwan na babaeng fetus na nakasilid sa plastic ang natagpuan na lumulutang sa Estero de Gombon, sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat , dakong alas-8:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ng isang Ben Santos, mamumulot ng basura, ang isang plastic na lumulutang kasama ng mga basura at water lilies, upang ipagbili sa junk shop subalit nagulat siya nang makitang may laman itong isang fetus.
Masangsang na umano ang amoy ng fetus kaya naisipan niyang alamin kung ano ang nasa loob ng plastic.
Agad dinala ni Santos sa barangay hall ng Brgy. 133 Z-11, sa Tondo, Maynila na siyang nagpaabot ng ulat sa pulisya.
- Latest
- Trending