^

Metro

2 JAILGUARDS NAGBIRO, NASIBAK: P50-milyong escape plot ng Ampatuan, joke lang - PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Joke only lang sa text message!

Ito ang inisyal na resulta ng ipinag-utos na imbestigasyon  ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa hinggil sa na­buking na text messages sa umano’y P50-M escape plot ng mga Ampatuan, pangu­na­ hing suspect sa Maguin­danao massacre na naka­kulong ngayon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sa report kahapon ni Director Eugene Martin, Di­rector for Intelligence ng PNP, nabatid na ang palitan ng SMS text messages sa pa­gi­tan ng dalawang jail officers na nakatalaga sa Metro Manila District Jail (MMDJ) ay biruan lamang pala ng mga ito.

Kinilala naman ang dala­wang jailguards na bantay ng mga Ampatuan na sina SJO3 Angeles Bio at SJO4 Kenneth Quilona.

Ayon sa mga imbesti­gador, nagpadala ng text message si Quilona kay SJO3 Bio na nagsasabing: “pataka­sin natin Edoy 50M sama ka Edoy... tig-25M tayo... tinang­gap ko na downpayment 10M,” anang text message.

“The reported escape plot was initially determined to be part of a harmless yet unwise joke among the jailguards,” ani Martin matapos maalarma ang PNP sa pagkakadiskubre ng nasabing text message.

Kabilang sa maimpluwen­syang angkan ng mga Am­patuan na nasa kustodiya ng nasabing kulungan ay sina dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., ama nitong si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., suspendidong si ARMM Governor Zaldy Ampatuan, dating Vice Governor Akmad Ampatuan, dating Ampatuan Mayor Anwar Ampatuan at dating Maguindanao Officer-in-Charge Sajid Ampatuan.

Ang mga ito ang itinutu­rong mastermind sa Maguin­danao massacre na ikinasawi ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen.

AMPATUAN

AMPATUAN MAYOR ANWAR AMPATUAN

ANGELES BIO

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

DIRECTOR EUGENE MARTIN

EDOY

GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with