^

Metro

SB sa COLA issue: Ipaubaya ang desisyon sa susunod na administration

- Jerry Botial -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Quezon City Mayor Feli­ciano “Sonny” Belmonte Jr. na hindi ngayong pa­nahon ng eleksyon ang tamang oras para pagka­looban ng cost of living allowance (COLA) back­pay ang mga empleyado sa city hall na ipinanukala ng city council.

Binigyang-diin ng Al­kalde na mas makabu­buti na hayaan na la­mang ang susunod na Quezon City admi­nis­tration ang mga magde­sisyon sa naturang isyu.

Hindi umano dapat na ngayong panahon ng ha­lalan na magdesisyon para mabigyan ng COLA back­pay ang mga city hall employees para sa period na November 30, 1989 hanggang Mayo 3, 2004 na ipinanukala ng konseho ng lungsod.

Hindi umano ma­ganda kung ngayon ito ibibigay dahil maaaring mapulaan na politically motivated at maaari rin maakusahan ng elec­tion­eering ang nag-author nito.

Mas makabubuti na ang desisyon ukol dito ay ipaubaya na sa sususod na administrasyon sa lungsod.

Maaari din umanong maka-pre-empt ang natu­rang ordinansa sa Korte Suprema sa pagrere­solba nito sa mga naka­bin­bing kaso sa COLA payments.

vuukle comment

BELMONTE JR.

BINIGYANG

CITY

INIHAYAG

KORTE SUPREMA

MAAARI

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with