Ginang sugatan sa 'lover' ni mister

MANILA, Philippines - Malaking biyak sa ulo ang tinamo ng isang gi­nang makaraang paluin ng “lover” ng kanyang mister ka­hapon ng madaling-araw sa Pasay City. Nakalabas din naman sa Pasay City Gen. Hos­pi­tal makaraang lapa­tan ng karampatang lunas ang 52-anyos na si Beatriz delos Santos, ng Tramo St., Pasay.  Agad ni­ tong ipi­naaresto ang sus­pek na si Gloria Melo, 39, ng Za­mora St., Pasay. Si­nam­pa­han ito ng rekla­mong physical injuries. Na­ganap ang insi­dente da­kong alas-4 ng mada­ling-araw sa harapan ng bahay ni Melo. Sinabi sa pu­lisya ng ginang na ma­tagal na siyang naghi­hinala sa pa­ki­kipagrelasyon ng asa­wang si Felix kay Melo. Ka­makalawa ng gabi ay hindi nakauwi ng bahay si Felix kaya’t nagpasya ang gi­nang na magtungo sa ba­hay ni Melo at dito niya na­kita si Felix kaya’t sini­ga­wan niya ang mister na lu­ma­bas na at umuwi. Sa ha­lip na si Felix ang luma­bas ang babae niya ang lumabas na may hawak ng bote at hi­nataw sa ulo ang ginang.

Show comments