Nanira sa gate ng CHED kinasuhan
MANILA, Philippines - Isinampa ng Quezon City Police District ang kasong malicious mischief laban sa mga militanteng estudyante ng Polytechnic University of the Philippines na sumugod at nanira sa gate ng Commission on Higher Education sa kanilang kilos-protesta noong Marso 24.
Kabilang sa kinasu han sina Verser Crisostomo, Noli Anoos at Baby Parenas at iba pang mga hindi pinangalanang estudyante.
Pinayagan ni CHED Executive Director Julito Vitriolo ang QCPD na idemanda ang mga estudyante dahil sa paninira ng gate ng ahensya ng mga nagpoprotestang estudyante ng PUP ukol sa isyu ng labis na pagtataas sa matrikula sa naturang unibersidad.
- Latest
- Trending