MANILA, Philippines - Isang World War II bomb ang natagpuan matapos makasama sa paghigop ng Metro Manila Development Authority pumping station mula sa Pasig River, sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng umaga. May sukat na 60 mm ang puting phosphorous mortar na ginagamit umano noong panahon ng giyera sa pag-prodyus ng smoke screen upang itago ang mga nakikipaglabang sundalo, ayon kay SPO2 Modesto Pagaran ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division. Dakong 9:00 ng umaga kahapon nang makuha ang may kabigatang vintage bomb sa isinasagawang suction ng MMDA pumping station sa panulukan ng Aceite at Anonas Streets, Sta. Mesa