2 apo, anak ginahasa ng mag-ama

MANILA, Philippines - Inaresto at ikinulong ng pulisya ang isang mag-ama na gumahasa umano sa kanilang dalawang apo at anak na dalagita sa Ba­ gong Silang, Caloocan City.

Unang nadakip si Leo­nilo Brazil, 33, ng Phase 7, Bagong Silang noong Marso.

Dakong alas-2 kama­ka­lawa ng hapon ay na­dakip naman ang ama ni Brazil na si Paterno, 65, sa ka­nilang bahay sa na­sabing lugar.

Ang mag-ama ay na­dakip sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Victoria Isabel ng Caloocan City Regional Trial Court, Branch 124.

Ang mag-ama ay kina­suhan ng panggagahasa sa mga dalagitang anak ni Leonilo na edad 14 at 16.

Taong 2006 nang pag­samantalahan ni Leonilo ang dalawang anak subalit maging si Paterno ay nag­samantala rin pala sa dalawang dalagita.

Nang magkabukuhan ay nagdemanda ang ina ng mga biktima subalit nagtago ang mag-ama hanggang sa matiyempu­han ang mga ito nang bumalik sa kanilang bahay.

Show comments