2 apo, anak ginahasa ng mag-ama
MANILA, Philippines - Inaresto at ikinulong ng pulisya ang isang mag-ama na gumahasa umano sa kanilang dalawang apo at anak na dalagita sa Ba gong Silang, Caloocan City.
Unang nadakip si Leonilo Brazil, 33, ng Phase 7, Bagong Silang noong Marso.
Dakong alas-2 kamakalawa ng hapon ay nadakip naman ang ama ni Brazil na si Paterno, 65, sa kanilang bahay sa nasabing lugar.
Ang mag-ama ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Victoria Isabel ng Caloocan City Regional Trial Court, Branch 124.
Ang mag-ama ay kinasuhan ng panggagahasa sa mga dalagitang anak ni Leonilo na edad 14 at 16.
Taong 2006 nang pagsamantalahan ni Leonilo ang dalawang anak subalit maging si Paterno ay nagsamantala rin pala sa dalawang dalagita.
Nang magkabukuhan ay nagdemanda ang ina ng mga biktima subalit nagtago ang mag-ama hanggang sa matiyempuhan ang mga ito nang bumalik sa kanilang bahay.
- Latest
- Trending