500 student nabigyan ng summer job
MANILA, Philippines - May mahigit 500 mahihirap na mag-aaral ng Quezon City government ang nabiyayaan ng may P3.5 milyon halaga ng trabaho ngayong summer para makaipon ang mga ito ng pondo na gagamitin sa kanilang pag aaral sa susunod na pasukan. Sa kabuuang benepisyaryo, ang 262 mag aaral ay na-absorb sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES), isang 20-day summer job appreciation program ng pamahalaang lokal ng lunsod sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment.
Ang mga SPES trainees ay nagsimula sa kanilang trabaho sa ibat ibang departmento sa Quezon City hall noong Abril 19. Ang 272 qualified students naman ay nabigyan ng trabaho ng city government ngayong summer na benepisyaryo mula sa National Youth Commission-sponsored program. Higit na pinalakas ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. ang summer job programs bilang isang malaking bahagi ng quality education services sa mga ka bataang mag-aaral.
- Latest
- Trending