Gun ban sa Maynila itutuloy ni Atienza
MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Lito Atienza ang pagpapatupad ng total gun ban sa Lungsod.
Sinabi ni Atienza na ang mataas na insidente ng krimen sa Maynila ay dulot ng loose fire arms na hindi epektibong naipapatupad ni Manila Police District Director Chief Supt. Rodoldo Magtibay
Inihalimbawa ni Atienza ang pamamaril sa isang madre noong mga nakaraang linggo gayundin ang mga natatagpuang biktima ng salvage sa ibat ibang bahagi ng Maynila ng mga nakaraang buwan.
“Bagamat nahuli ang mga bumaril sa madre, maaaring naiwasan ang ganitong insidente kung epektibo ang pagpapatupad ng gun ban sa Maynila,” ayon sa nagbabalik na Alkalde.
- Latest
- Trending