^

Metro

Tinotoo ni Lim

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Muling pinatotohanan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang kanyang ipinangako sa sarili na makapagtatag ng mas maraming ospital at health centers na magbibigay ng lib­reng serbisyong pang­kalusu­gan sa mga mahihirap na taga-lungsod sa pama­ma­gitan ng pagbubukas kahapon ng tat­long palapag na annex ng Gat Andres Bonifacio Me­morial Medical Center sa Tondo.

Inanyayahan din ni Lim ang mga residente na nag­tungo upang saksihan ang pag­bubukas upang samanta­lahin ang mga bagong uri ng serbisyong iniaalay doon ka­gaya ng CT scan, ultra sound, c-arm xray at stress tests. Ang nasabing annex ay kumpleto din sa cardiac monitors at delivery tables o paanakan, at ito ay magsisilbi bilang out­patient at radiology depart­ments ng GABMMC.

“Ang ipinagpatayo sa ospi­tal na ito ay mula sa buwis na ibi­nabayad ninyo. Kaya naman para sa inyo ang os­pital na ito,” ani Lim kasabay ng pahayag na hindi magiging kongkreto ang kanyang pa­ngarap na ma­kapagpatayo ng maraming ospital at health centers kung walang suporta ng konseho sa pamumuno ng presiding officer na si Vice Mayor Isko Moreno at 22 kon­sehal na kaalyado nito.

GAT ANDRES BONIFACIO ME

INANYAYAHAN

KAYA

LIM

MANILA MAYOR ALFREDO S

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with