MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 41-anyos na driver matapos pagtatagain sa leeg, braso at tiyan ng hinihinalang dating kaaway habang nagpapahangin sa labas ng kaniyang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Arnel Lapus, ng 1981 Almeda St., Tondo.
Pinaniniwalaang habang mag-isa lamang ang suspek na nakaupo sa harap ng kaniyang bahay ay sinamantala ito ng kaaway na armado ng itak. Matapos pagtatagain ay mabilis na tumakas.
Sinabi ng pulisya na posibleng ang dati umanong kaaway ang nakatiyempo upang resbakan ang nag-iisang biktima. Hindi pa matukoy ang salarin hanggang sa isinusulat ito.