MANILA, Philippines - Tumitindi ngayon ang iringan ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Pasay City Traffic Management Office.
Naunang nagbanta ang una na kakasuhan ang mga “chocolate boys” dahil sa pangungunsinti sa mga kolorum at “out-of-line” na mga pampasaherong bus sa lungsod.
Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na matindi nilang kinokondena ang pakikialam ng PCTMO sa kanilanng “anti-colorum” at “out-of-line operations” sa lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng MMDA Transport and Traffic Management Office noong nakaraang Huwebes sa Roxas Boulevard, Pasay kung saan pinaghuhuli ang mga napatunayan nilang mga kolorum at mga “out-of-line” na mga pampasaherong bus.
Ngunit nakialam at inaresto ng mga tauhan ng PCTMO ang tatlong enforcer ng MMDA at pinakawalan ang mga nahuling bus.
“Inaresto at idinitine sa Pasay City Traffic Management Office ng mga chocolate boys ang tatlo naming traffic enforcer at pinakawalan ang mga nahuli nitong mga out-of-line na mga bus,” diin ni Nacianceno.
Dahil dito, bukod sa kasong administratibo ay maghahain rin ang MMDA ng kasong kriminal laban sa PCTMO na pinamumunuan umano ng isang General Franco