^

Metro

Chocolate Boys ihahabla

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tumitindi ngayon ang iringan ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Pasay City Traffic Management Office.

Naunang nagbanta ang una na kakasuhan ang mga “chocolate boys” dahil sa pangungunsinti sa mga ko­lorum at “out-of-line” na mga pampasaherong bus sa lungsod.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na matindi nilang kinokon­dena ang pakikialam ng PCTMO sa kanilanng “anti-colorum” at “out-of-line operations” sa lungsod.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng MMDA Transport and Traffic Management Office noong nakaraang Huwebes sa Roxas Boulevard, Pasay kung saan pinaghuhuli ang mga napatunayan nilang mga kolorum at mga “out-of-line” na mga pampasaherong bus.

Ngunit nakialam at ina­resto ng mga tauhan ng PCTMO ang tatlong enforcer ng MMDA at pinakawalan ang mga nahuling bus.

“Inaresto at idinitine sa Pasay City Traffic Management Office ng mga chocolate boys ang tatlo naming traffic enforcer at pinakawalan ang mga nahuli nitong mga out-of-line na mga bus,” diin ni Na­cianceno.

Dahil dito, bukod sa kasong administratibo ay maghahain rin ang MMDA ng kasong kriminal laban sa PCTMO na pinamumunuan umano ng isang General Franco 

DAHIL

GENERAL FRANCO

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

HUWEBES

INARESTO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

ROXAS BOULEVARD

TRANSPORT AND TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with