Driver tinodas ng pasahero

MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala sa ulo ang agad na ikina­matay ng isang tricycle dri­ver ma­karaang pagbabarilin ng isa sa dalawa niyang pasa­hero sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City ka­ma­kalawa.

Kinilala ang biktima na si Franco Raguiden, 30, binata ng 208 Freedom St., Area 1, Veterans Village, Barangay Pasong Tamo sa naturang lungsod.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng mga awto­ridad upang matukoy ang mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Sa ulat ni PO2 Joselito Ga­gaza, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Luzon Ave­nue, Tangke Itaas, Ba­rangay Holy Spirit bandang alas-8:00 ng gabi.

Sinasabing pasahero ng biktima ang mga suspeck kung saan isa sa mga ito ang naka-backrider habang ang isa ay nasa loob ng tricycle.

Pagsapit sa may northbound lane partikular sa basketball court ng nasabing lugar, bigla na lamang nag­labas ng baril ang backrider ng baril at pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima.

Matapos ang pamamaril, naglakad lamang papalayo ang mga suspek patungo sa may Fort del Pilar St., ng nasabing barangay.

Ayon kay Gagaza, po­sibleng personal na alitan ang ugat ng pamamaril kung saan ang mga suspek ay pawang napag-utusan lamang.

Show comments