^

Metro

Walang pambayad sa placement fee: Job applicant nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang aplikante sa isang trabaho ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sintas ng sapatos ka­hapon ng umaga dahil sa pagkabigo niyang maka­likom ng pera para maka­punta sa ibayong-dagat.

Nakilala ang biktima na si Rolando Garin, tubong Ca­gayan at nanunuluyan pan­samantala sa isang transient house sa Malate, Manila.

Natagpuang nakabigti ang bangkay ni Garin sa isang banyo ng transient house sa 956 San Andres St., Malate.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng isa pang boarder.

Sa naging pahayag ng isang Evelyn Magsayo, boarder, una umanong na­takot siya sa nakitang naka­tayong lalaki sa loob ng CR dakong alas-3:00 ng ma­daling-araw kaya nagta­takbo siya papasok ng kani­yang silid at nagsara ng pinto.

Bandang alas-8:00 ng umaga, sa paggising niya ay sinilip ulit ang CR at nakita niya muli ang biktima na nakatayo pa rin at inakala niyang sina­ sapian ng masa­mang espiritu dahil hindi tumitinag.

Kumuha umano siya ng dalawang rosary bilang pa­ngontra umano sakaling sina­sapian ng masamang espiritu ang boardmate.

Subalit maya-maya ay napansin na niya umano na nakabitin pala ito sa sintas ng sapatos na hindi niya napan­sing nakapulupot sa leeg ng biktima.

Sabi pa ni Magsayo na ang alam niya ay makaka­alis na patungo sa Malaysia sa Abril 29 ang biktima subalit prob­lema pa umano nito na punuan ang kaku­langang P30,000. sa placement agency.

Kamakalawa ng hapon ay nagkwento rin umano ito na kailangang umuwi siya sa Cagayan para makautang ng P30,000. 

ABRIL

BANDANG

DAKONG

EVELYN MAGSAYO

GARIN

ISANG

KAMAKALAWA

ROLANDO GARIN

SAN ANDRES ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with