Kandidatong mayor na sumabit sa droga: Piyansa ni Buan malalaman ngayon

MANILA, Philippines - Takdang desisyunan ngayon ni Pasig City Regional Trial Court Judge Abraham Borreta kung papahintulutan o papayagang makapagpiyansa at makalaya ang isang kandidatong alkalde sa Mandaluyong City na si Ernest Alberto Domingo-Buan na nasangkot sa droga.

Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency si Buan sa isang buy-bust operation sa Pasig City noong Enero 29.

Kasalukuyang nakakulong si Buan sa punong-himpilan ng PDEA sa Quezon City.

Nagsampa naman si Buan sa korte ng motion para payagan siyang makalaya pansamantala sa pamamagitan ng piyansa.

Sinabi naman ni Borreta sa isang text message sa reporter na ito na ngayong Lunes niya ipapalabas ang desisyon sa piyansa ni Buan.

Show comments