Uuwi na, binoga
MANILA, Philippines – Isang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng isa niyang kainuman dahil nagtalo ang mga ito nang pigilan sa pag-uwi ng una ang huli sa Navotas City kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Antinory Goli, 32 ng Tabing Dagat, Barangay Daanghari ng lungsod na ito. Pinaghahanap naman ng mga pulis si Leo Leongson, nasa hustong gulang, ng Davila ng lungsod pa ring ito.
Nauna rito, nag-iinuman sina Goli at Leongson sa may Naval St., Daanghari nang biglang magpaalam ang huli na uuwi na. Pinigilan ni Goli si Lengson hanggang sa magkakulitan at magtalo sila at magbunot ng baril ang huli at binaril ang biktima.
- Latest
- Trending