MANILA, Philippines – “Hindi porke atleta ay hindi na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot!
Ito naman ang idiniin ni Ric de Guzman, chief of staff ni Manila Mayor Alfredo Lim, bilang tugon sa libel suit na isinampa ng anak ni dating Environment Secretary Lito Atienza na si Ali laban sa alkalde.
Ang libel suit ay bunga ng pahayag ni Lim na drug addict si Ali.
Inihalimbawa ni De Guzman ang kaso ng dalawang kilalang boksingero at baseball player na napatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kaya hindi umano dapat na magmalinis si Ali na atleta ito at hindi gumamit ng gamot.
Ayon kay De Guzman, ipinagkibit balikat lamang ni Lim ang pagsasampa ng kaso ni Ali kasabay ng pahayag na handa naman siyang harapin ang anumang kaso na ipaghaharap sa kanya.
Ipinaliwanag ni De Guzman na nai-quote lamang ni Lim si dating Vice Mayor Danny Lacuna na taong 2007 nang ma-confine para sa rehabilitasyon sa basement ng Makati Medical Center sa loob ng dalawang taon si Ali bunga ng nervous breakdown.