MANILA, Philippines – Pumayag ang Bureau of Immigration na huwag pagbayarin ng multa ang daan-daang overstaying na European sa bansa na naistranded sa Ninoy Aquino International Airport nang ilang araw na dahil sa pagputok ng bulkan sa Iceland.
Ayon kay Atty. Norman Tansingco, BI Chief of staff, nagdesisyon na si Commissioner Marcelino Libanan na huwag nang pagbayarin ng multa ang mga Schengen visa holders base na rin sa kahilingan ng concerned European governments sa pamamagitan ng ka nilang embahada sa Maynila.
Pinabatid naman ng embahada ng Europa kay Libanan na susuklian nila ng makataong paraan ang ginawa nito na i-waive ang multa ng mga Filipino tourists na overstayed na sa Pilipinas dulot na ring eruption.
Nilinaw naman ni Tansingco na walang dahilan ang BI upang hindi pagbigyan ang kahilingan dahil hindi naman kasalanan ng mga dayuhan na mag-overstayed sila sa Pilipinas.
Habang ginagawa ang balitang ito, nabatid na nanumbalik na ang mga flights patugong Europe matapos na kumalma ang bulkan sa Iceland na nagbuga ng abo kaya nagdilim ang himpapawirin sa Europe dahilan upang kanselahin ang lahat ng operasyon ng airlines dito.