MANILA, Philippines – Muling nanguna ang Quezon City sa mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila na may pinakamataas na koleksyon sa buwis noong 2009.
Sa ulat ng Bureau of Local Government Finance, ang Quezon City ang may pinakamalaking revenue collection kumpara sa 17 lungsod at munisipalidad sa Kalakhang Maynila. Nakakolekta ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P10,522,540,238. Pumangalawa ang Makati City na nakapagtala ng P9,789,062,761 total collection sa nasabing taon.
Sinabi ni City Treasurer’s Office head Dr. Victor Endriga na ang paglago ng koleksiyon sa economic enterprises ng lungsod ay bunsod ng P260 million remittance ng Quezon City General Hospital noong nakaraang taon. Sa kategoryang ito, ang Makati at Manila ang ikalawa at ikatlo sa naturang kategorya.