Bebot nabiktima ng kuliglig snatcher

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Manila Police District ang publiko sa gumagalang ‘kuliglig snatcher’ na tumatangay ng bag at gamit ng mga naglalakad sa kalye.

Ginawa ng pulisya ang babala ka­sunod ng pambibiktima na naman ng kuliglig snatcher sa isang babae.

Sa reklamong idinulog sa Manila Police District-Station 2 ng biktimang si Shiela Marie Villeza, 20, dalaga, ng 1200 Sto. Cristo St., Tondo, isang lalaki na nagmamaneho ng ‘kuliglig ‘(impro­vised na pedicab na pinatatakbo ng motor pump) ang humablot sa kanyang bag dakong alas-5 ng hapon sa harapan ng Isabelo delos Reyes Elementary School sa Tondo, Maynila.

Mabilis na pinasibad ng snatcher ang kanyang kuliglig kaya wala ring nagawa ang pagsisisigaw ng biktima.

Ayon sa pulisya, umiwas o mag-ingat sa paglalakad sa kalsada upang hindi mabiktima ng kuliglig snatcher at iba pang nanghahablot ng bag na kada­la­sang ginagawa ng naka-motorsiklong riding-in-tandem.

Show comments