^

Metro

Labor Day rally babantayan ng MPD

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit 50,000 raliyista ang babantayan ng Manila Police District sa Liwa­sang Bonifacio at Men­diola sa Maynila sa nala­lapit na paggunita sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Sa ginanap na paki­ki­pagpulong ng iba’t ibang lider ng militan­teng grupo sa pangu­nguna ni Par­tido ng Mang­gagawa Chairman Joel Maglun­sod at Lito Estares,Vice Chairman ng Kilusang Mayo Uno,   kay Manila Chief of Staff Ric de Guzman at opis­yal ng MPD sa pamu­muno ni Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay, ma­tapos nilang humingi ng permit to rally, alas-7:00 pa lamang ng umaga ay magsasa­gawa na ng pagkilos ang mga mili­tanteng manggagawa sa lungsod.

Ayon kay de Guz­man, umaasa silang magiging mapayapa ang isasaga­wang pag­kilos ng KMU, PM, Anakpawis, Gab­riela, Anak-Maka­bayan-Maynila, at Bagong Al­yan­sang Makabayan.

Sinabihan naman ni Magtibay ang mga grupo na obserbahan ang daloy ng trapiko, huwag okupahin ang buong kalsada at mag­bigay-daan sa mga motorista.

BAGONG AL

CHAIRMAN JOEL MAGLUN

CHIEF SUPT

KILUSANG MAYO UNO

LITO ESTARES

MANILA CHIEF OF STAFF RIC

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

RODOLFO MAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with