^

Metro

Mas hi-tech na LTO, target sa ika-98 na anibersaryo

-

MANILA, Philippines - Target ng Land Transporta­tion Office (LTO) sa kanilang ika-98 taong anibersaryo na mas lalo pang mapaunlad ang ka­nilang teknolohiya at ma­bigyan ng ma­gandang serbisyo ang may anim na milyong motorista sa bansa.

Sa temang “LTO at 98 Get­ting Stronger Through the Years” ipinagmamalaki ng LTO ang kanilang pagiging fully auto­mated  kung saan sa pamama­gitan ng tinatawag na Build Own and Operate ay naging com­­puterized ang dating manual system ng LTO sa tulong ng Strad­com Corp. nang walang ginastos ang gobyerno. Dahil sa computerization system ay ma­bilis na ang pro­seso ng mga tran­­saksiyon sa LTO tulad ng pag-renew at license applica­tions gayundin ang motor ve­hicle registrations na maaari nang gawin kahit saang lugar sa bansa at ito ay tatagal lamang ng 5-10 minuto gamit ang tekno­lohiyang Radio Fre­quency Iden­tifciation (RFID).

Plano ng nabanggit na ahen­siya na magkaroon ng On­line Driver’s License Re­ newal and Delivery of Driver’s License kung saan sa pama­magitan ng online application o tawag sa tele­pono ay maaari nang mai-deliver sa bahay ng apli­­­ kante ang kanilang lisensiya.

BUILD OWN AND OPERATE

DAHIL

IDEN

LAND TRANSPORTA

LICENSE RE

LTO

PLANO

RADIO FRE

SHY

STRONGER THROUGH THE YEARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with