^

Metro

Panghoholdap kuha ng CCTV camera

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Napatunayan ngayon ng Southern Police Dis­trict (SPD) na malaki ang naitutulong ng mga ikina­bit na “closed circuit television camera” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraang dalawang holdaper ang hindi na makapalag sa pag-aresto ng pulisya bunsod ng video footage laban sa kanila, sa Pasay City.

Nakilala ang mga inaresto na sina Adrian Ramos, 24, tricycle driver, at Noli Chavez, 24, kapwa ng Pasay City.

Sinampahan ang mga ito ng kaso ng bikti­mang si Michell Real, 25, call center agent.

Sa ulat ni Real sa Pasay police, hinoldap siya ng dalawang suspek nitong Abril 16 ng madaling araw habang naghihintay ng masasakyan sa F. Fernando Street, ng naturang lungsod.  Tinangay ng mga suspek ang P20,000 cash, cellphone, gintong kuwintas at hikaw.

Muli namang naispatan ni Real si Ramos sa paradahan ng tricycle habang nakapila ito na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.  Sa loob ng presinto, itinanggi pa ni Ramos ang akusasyon laban sa kanya ngunit nasupalpal ang kasinu­ngali­ngan nito nang ipanood sa kanya ang video footage buhat sa CCTV camera sa naturang lugar ng aktuwal na hinoholdap nila si Real.

Hindi naman nahirapan ang pulisya na dakpin pa ang kasama ni Ramos na si Chavez nang personal pang magtungo sa PCP 3 upang dalawin ang kasama matapos mabalitaan na hinuli ng mga pulis.

ABRIL

ADRIAN RAMOS

CHAVEZ

FERNANDO STREET

MICHELL REAL

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NOLI CHAVEZ

PASAY CITY

RAMOS

SOUTHERN POLICE DIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with