^

Metro

Holdaper kinuyog, binugbog ng mga bading

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muling napatunayan na ang mga bading ay lalaki pa rin, ma­tapos na pagtulungan ng mga itong bugbugin ang isa ring kelot na nangholdap sa kanilang kaibigan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang suspect na si Marlon Silvestre, 18, binata ng Empire St., Brgy. Payatas, na nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan matapos na pagtulungan itong saktan ng grupo ng mga bading.

“Akala niya hindi namin siya kaya, hoy! May masel din kami,” sabi ng grupo ng mga bading na tumulong sa biktimang si Rogelio Calope, 20, binata at residente sa Phase 2, Purok 5, ng nasabi ring barangay.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Empire St., Brgy. Payatas B pasado alas-8 ng gabi. Nauna rito, naglalakad ang biktima sa lugar para dumalo sa burol ng pinsan nang harangin siya ni Silvestre na kilalang tambay sa lugar at holdapin.

Gamit ang patalim, biglang inagaw ng suspect ang dalang bag ni Calope na naglalaman ng damit, dalawang cellphone at P2,000. Kahit nabigla sa ginawa ng suspect agad na nagsisigaw ng saklolo ang biktima sa mga kaibigan at hinarang ang suspect saka pinagtulungan itong dambahin.

Dahil marami ang bading, wala nang nagawa ang suspect sa mga ito kundi ang saluhin ang mga suntok at tadyak ng mga una hanggang sa tumulong na rin ang ilang taumbayan at binitbit siya ng mga ito sa himpilan ng Police Station 6 para ipakulong.

Nabawi rin kay Silvestre ang patalim na kanyang ginamit pero ang gamit ni Calope ay hindi na nabawi kung kaya upang maka­bawi ay nagsampa na lang ito ng reklamo laban sa una.

Banta naman ng mga bading, hindi sila basta-basta papatalo sa mga ito lalo na kung sila ay sama-sama.

Kasong robbery at paglabag sa election ban hingil sa pagda­dala ng baril at deadly weapon ang kinakaharap ngayon ng suspect.

BANTA

BRGY

CALOPE

EMPIRE ST.

MARLON SILVESTRE

PAYATAS B

POLICE STATION

ROGELIO CALOPE

SILVESTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with