^

Metro

5 timbog sa droga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Lima katao na kinabibila­ngan ng tatlong menor-de- edad ang nadakip sa kasong pag-iingat at paggamit ng ilegal na droga sa Sampaloc, May­nila, kahapon ng mada­ling-araw.

Sinampahan na sa Manila Prosecutor’s Office ng mga kasong paglabag sa Sections 11, 12 at 15 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dan­ger­ous Drugs Law) ang mga naarestong sina Charity Giron, 34; at Rowell Sar­miento, 34, kapwa residente ng J. Fajardo St., Sampaloc, at ang mga menor-de-edad na itinago sa mga pangalang Jesus, 17; Alfredo, 17; at Gian, 17.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang res­pondehan nila ang tawag sa Simoun corner Kundiman sts. dahil sa ulat na kaguluhan kung saan unang nadakip ang mga menor-de-edad na na­ispatan na nagwawala at nag­mu­murahan sa naturang lugar. 

Kinapkapan kung may dalang deadly weapons ang mga ito subalit ang nakuha sa mga kabataan ay walong sachet ng marijuana. Dakong alas-3 naman nang may muling tu­ mawag sa kanilang tangga­pan hinggil sa pot session uma­no sa J. Fa­jardo st., sa Sam­pa­loc at na­aktuhan ang ‘ratratan’ (pot ses­sion) kung saan dito na­dakip sina Giron at Sarmiento na nakumpiskahan din ng apat na sachet ng shabu at dala­wang aluminum foil strips at iba pang parapernalias.

ALFREDO

CHARITY GIRON

COMPREHENSIVE DAN

DRUGS LAW

FAJARDO ST.

MANILA PROSECUTOR

REPUBLIC ACT

ROWELL SAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with