Karambola ng 3 sasakyan: 3 sugatan

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang iniulat na nasugatan nang magkaram­bola ang tatlong sasakyan sa isang kalye sa lungsod Que­zon kahapon ng ma­daling-araw.

Dahil dito nagdulot ng sobrang trapik sa ilang bahagi ng kahabaan ng  EDSA ma­tapos na humambalang dito ang nagkaram­bolang mga sasakyan.

Ayon sa ulat, natukoy ang mga sugatang biktima na sina Andres Cruz, 41, driver ng Mit­su­bishi Fuso Fighter (XJP-526); at mga pahi­nan­teng sina Joselito Dimal at Edilberto Cara­naz; mga empleyado ng Dolometrix Phils.

Sa lakas ng pagkaka­bang­ ga ang mga na­sabing biktima ay naipit sa kanilang sinasak­yang delivery van kung kaya kinakailangan pang gumamit nang mga rescue team ng hydraulic equipment para ma­putol ang mga bakal na umipit sa kanilang mga katawan.

Tumagal ng halos 2 oras bago tuluyang na­ialis sa pagka­kaipit ang­ naturang mga biktima.

Natukoy naman ang mga nakabanggaan nitong mga sa­sakyan na isang Fuso cargo truck (TEV-384) na mina­maneho ni Luis Garcia, 49; at Isuzu dump truck (CTJ-346) na pinaandar naman ni Roger Doctolero, 31.

Naganap ang insidente alas-5 ng umaga sa may EDSA sa Brgy. South Triangle sa lungsod.

Diumano, kapwa binabay­bay ng tatlong sa­sakyan ang lugar galing sa direksyon ng Que­zon Avenue patungong Timog Avenue nang pagsapit sa Edsa binundol ng Isuzu dump truck ang huling bahagi ng cargo truck, bago tulu­yang bumundol dito ang Mitsubishi Fuso.

Sa lakas na pagkaka­bangga ng Mitsubishi Fuso sa dump truck ay halos nayupi ang hara­pang bahagi ng una sanhi upang maipit ang naturang mga biktima.

Show comments